Wow. Just wow.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. sabi sa Psychology... follow your instincts kasi kadalasan sinasabi nito kung ano ang totoo. Paano ba yan? Sabi ng instincts ko galit ka. Sabi ng instincts ko hindi ka comfortable na nakikita ako. Sabi rin ng instincts ko tuluyan ng lalayo ang loob mo sa akin. Nalulungkot ako sa nararamdaman kong ito. Sana mali ako. Sana mali lahat ng nasa isip ko. Dahil kung alam mo lang gusto ko pa rin ikeep natin ang friendship na nabuo kahit pa may "thin line" sa pagkakaibigan na ito.
Oo, siguro nga sobrang suplada ko minsan *madalas ata para sayo?*
Nung una kitang dinedma, ginawa ko yun dahil may kasama kang iba. Syempre, nahiya naman ako na magsabi pa sayo, "Uy, hi. pansinin mo naman ako."
Nung ikalawa naman, nainis ako sayo. Tama ba namang hindi mo ako kilala? Samantala lagi mo nga akong pinapansin sa loob ng kwarto kung saan ako unang humanga sa iyo.
At yung nangyari naman na pangdededma ko noong nakaraang linggo, hindi ko yun sinadya. Kung alam mo lang gusto pa nga kitang itext at magpaliwanag. Kaso baka isipin mong weirdo ako at ano ba yung pinagsasabi ko. Pero ito... hindi kita pinansin noon, kasi naman may kausap ka sa cellphone diba? Paano ako sisingit at magsasabing, "UY HIIIII!" Parang ang bastos naman?
HUHU. Utang na loob, huwag mong isipin na suplada ako at may pagka-user pa! Sa totoo lang masaya ako tuwing nakikita kita. Yung tipong feel ko okay lahat. parang bigla may nagsasabi sa akin na KALMA NA. Oo, meron kang epektong ganoon sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero basta masaya ako kapag alam kong andiyan ka.
Kaya please? Huwag ka na masyadong cold. Sana bumalik na ulit yung friendly aura mo. Let's seize the last 1 week that we have. :(
No comments:
Post a Comment