Naiinis ako sa mundo! Naiinis ako kasi hindi niya kayang gumalaw man lang ng dahan dahan ayon sa kagustuhan ko. Ang daming problema kung kailan excited na ako dahil patapos na ang lahat. Patapos na ang paghihirap ko sa semester na ito. Pero bakit nga ba ako naiinis? Ayan, basahin mo para naman maintindihan mo ako!
Una, naiinis ako dahil hindi ko na alam mangyayari sa grade ko sa Lit. Ang ganda ng prelim grade ko, tapos ngayong finals.. hindi ko alam kung ano ang nangyari. :( Grade conscious? Oo na, sige ako na! Tska inaamin ko na rin...kasalanan ko. Kailangan kong bumawi. kailangan! kaya ko to, sigurado ako!
Pangalawa, naiinis ako sa advertising paper na ito. :( Nawawala kasi yung CEO namin. Masyado atang heartbroken. Oo, naiintindihan ko masakit at masaklap ang pinagdadaanan niya sa ngayon.. pero yung totoo ate? Konting tiis na lang o! Please lang mag-online ka na at tapusin na natin ang paghihirap sa subject na ito. Susuportahan kita sa pag-iyak buong sembreak, gawin lang natin ito!
Pangatlo, naiinis ako dahil kailangan kong pumila sa registrar para kunin ang test permit ko! Yung totoo? Bakit bigla nila binabago ang proseso na wala man lang abiso sa amin? Ayos naman yung proseso na yung class president ang kumuha sa dean's office a! E paano ba yan? Dagdag pa kami sa aasikasuhun sa registrar! Dagdag pa ito sa trabaho na kailangan alalahanin! Dagdag pa ito sa stress na nararamdaman ko!!! Pero ang pinakakinaaasaran ko rito, bigla bigla na lang ang announcement na ito? AS IN BIGLAAN! So ayan, biglaan din ang pagtaas ng blood pressure ko.
Pang-apat, naiinis ako dahil may chance na magfinal exam pa kami sa SocioComm. Eh yung totoo? nakondisyon ko na ang sarili kong walang exam doon dahil meron kaming documentary. Ang masaklap pa diyan, ako ang EP ng documentary na ito. So paano kung nag-exam kami? Kasalanan ko ba? Pero ako ay nananalangin na sana hindi. Sana magustuhan ni Ma'am ang documentary namin at marinig ko ang mga katagang, "O, very good! Di na kayo mag-eexam"
Panghuli sa lahat, naiinis ako dahil sa CA Reshuffling issue na iyan. Sa totoo lang okay naman ako sa ideya e. Pero nakakainis lang na hindi kami kinakausap ng matino. Liberal Arts nga ang tawag sa faculty namin diba? Pero ang dating sa akin nakatali na kami sa isang bagay na hindi man lang pinaalam sa amin. Parang pina-sign kami sa isang kontrata kahit hindi namin alam kung ano ang nilalaman nito dahil ayaw na bigyan ng pagkakataon na basahin pa ito. Kaya ayan, nalulungkot ang lahat. Magdala o magsuot daw ng kahit anong may RED na kulay. Sabi ng ilan, magRED LIPSTICK na lang daw sila, siguro makikigaya na lang ako doon dahil sa tingin ko naman okay iyon *okay okay, aaminin ko mahilig kasi ako sa lipstick kaya natuwa ako sa ideya na iyon he he*
Yun lang.
At dahil nasabi ko na ang lahat ng gusto ko... sige ipakulong na ninyo ako.
No comments:
Post a Comment