Saturday, October 6, 2012

Spanish Effect?

"Pero ako lang talaga sa group namin yung mag-take ng Finals sa Spanish. HAHAHAHAHA. Noob me.  xD "


-Hindi ko alam pero na-bother talaga ako sa tweet na ito nung isa naming friend, lalo na dahil kilala ko siya bilang chill lang at hindi masyadong grade conscious. Napaisip nanaman tuloy ako - maganda nga ba yung pressure na ibinigay ng Spanish professor namin ngayong first semester? Oo, sinasabi kong pressure hindi dahil sa dami requirements, kung tutuusin hindi nga nagpapa-deberes (homework) yung professor pero pressure dahil agad niyang chinecheck ang mga papel namin tuwing may quiz (pati noong prelim exams) at inannoucne ang scores pero bago iyon kinokondisyon na kami na nais niyang "PERFECT" namin ang quiz. Alam mo yung feeling na dapat PERFECT ka dahil malaking kasalanan ang magkamali.  Hindi ako OA, iyan ang naririnig kong sinasabi ng mga classmate ko, kahit pa nga yung ibang section na handled niya yan ang sinasabi! Naalala ko  noong una kaming nagquiz, sabi nung professor napanaginipan niyang perfect kaming LAHAT. Natawa lang ako noon. 

Napapaisip talaga ako kung maganda nga bang strategy ito? Siguro maganda dahil "napipilitan" kaming mag-aral ng mabuti. Ngunit mukhang hindi rin dahil parang nagkakaroon ng psychological effect sa mga estudyante. Napansin ko kasing madalas paranoid ang iba kung hindi nila perfect yung exam. Ramdam mong nalulungkot sila kahit 2 or 3 mistakes lang naman ang nakuha nila. Weird. Over over sa pagka-GC ang dating tuloy sa akin. Oo!!! GC rin ako pero wala namang epektong ganyan sa akin! Nabobother tuloy ako dahil iba ang epekto nung strategy nung professor sa mga classmates ko. 

Maganda nga kaya ang ganitong estilo sa pagtuturo? Hindi ko alam. Ni hindi nga ako sigurado sa mga pinagsusulat ko ngayon. Ang alam ko lang gusto kong mailabas kung ano ang nasa isipan ko lalo na at interesado ako sa human behavior (oo, weird no?)

Siguro patuloy na lang akong mag-oobserve kung ano ang magiging epekto nito... pero sa tingin ko panandalian lang ito, hindi magtatagal ang Spanish effect na ito! 

No comments:

Post a Comment